Martes, Enero 15, 2013

Humanga po ako sa tula na ito...
 
 
Palakasin Mo
ni: Avon Adarna

Nangarap nang minsan si Manuel L. Quezon,
Na ang wika niya’y magtibay-panahon,
Tumatag, tumimo sa bukas at ngayon,
Bigkasin ng masa, sa daang kalyehon.

Huwag mong biguin itong namayapa,
Ating patatagin ang tindig ng wika,
Lubusing mainam, bigkasin ng tama,
Ating palakasin ang igkas ng dila.

Sa pagsasalita’y gamitin ng lagi,
Kahit ang kausap – may islang na gawi,
Mahalagang usap at pagmumuni-muni,
Gamiting salita’y ang wika ng lahi!

Sa pagsasabi mo ng iyong damdamin,
Sa liyag na sinta’t ibig na giliwin,
Wikang Filipino ang iyong gamitin,
Mailalahad mo ang nais sabihin.

Sa kapwa tao na masasasalubong,
Sabayan ng ngiti ang “Magandang hapon.”
At tiyak na sigla ang hatid ng layon,
Siglang darating saan man dumoon.

Iyong salitain sa lahat ng dako,
Damdamin sa dibdib paindakin sa puso
Sapagkat iyan nga ‘y tatag at lakas mo
At pagpapatunay na ikaw’y Filipino.
 
Sana patuloy parin  kayo magsulat .. :DDD
 

WIKANG FILIPINO :D



Marami nang nagbabago bukod sa damit , sapatos , at iba pa pero di natin inaasahan na pati ang wika natin ay madadamay . May mga salita na nakakatuwa , at kung minsan di maintindihan . Isa na dito ang salitang bekimon . Kaya ito tinawag na bekimon dahil kadalasan ito ang mga salitang ginagamit ng mga pagirl . Mga halimbawa nito ay waley , havey , pudra , mudra at iba pa. Natatawa nga ako dahil may mga salita sila na alam din nang mga lalaki. At may isa pang salita na nakakatawa , ang jejemon. Ang jejemon ay madals nakikita sa mga text messages . Kung minsan nga sinubukan ko ito gamitin sa pagtetext at natawa ako sa nireply niya. '' Who U? Sira ulo ka ba ? Haha XD ..
Kaya nga di na ako gumagamit nang salitang jejemon sa mga text messages ko.
Promise ! JeJeJe :DDD

Lunes, Enero 14, 2013

Bagsak na lipunan ?

Kadalasan yun ang tanong nang karamihan. Bagsak na nga ba ang lipunan ? Siguro nga bagsak na pero wala na bang paraan pala ibangon ito? Ba't di natin subukan? Minsan nga tuwing naglalakad ako marami akong nakikitang mga batang walang makain , may mga bata din na gumagawa ng masama . Kung nagamit lang nang tama ang kaba ng bayan o bansa mas aangat pa siguro ang pilipinas ... Pagbabago ang nais ng lahat !







Linggo, Enero 13, 2013

1st post! :DDD



Lahat Nang Gagawin Kailangan May Kapalit?


Kung minsan sa ating gobyerno , may mga taong nandyan pag kailangan karin nila , bibigyan ka kung bibigyan mo rin sila , kung may pakinabang ka mas maganda . Ewan ko kung bakit ganito ang nangyayari!
Isang halimbawa na dito kapag ELEKSYON . Maraming mga poster ang nagkakalat , may mga donations na may mukha pa nang kumakandidato. Napakasakit malaman na kaya lang sila tumutulong dahil may inaasahan silang kapalit . Bakit di nalang natin gayahin ang ibang bansa . Sa bansa nila kahit eleksyon walang pa EPAL!



--------- Patricia Roca :DDD --------